Mga Kadalasang Itinatanong (Frequently Asked Questions)
Ang Care Card ay isang proyektong inilunsad ng inyong lungsod upang makapagbigay ng karagdagang benepisyo at serbisyo para sa mga mamayan ng Taytay. Ang pagkakaron ng Care Card ay magbibigay ng ibat-ibang uri ng benepisyo at serbisyo mula sa Life Insurance, Health Care, Hospitalization, Medication Discounts, Personal Identification, at mas madaling pagkamit ng mga programa ng Gobyerno ng Taytay tulad ng Edukasyon, Kalusugan, Calamity Assistance, at mga Programang Pambata.
Ang Care Card ay ginawa lamang para sa mga rehistradong mamamayan ng Taytay Rizal mula 10 hanggang 99 anyos.
  • Magtungo sa Care Card Center sa inyong Munisipyo at isumite ang mga sumusunod (Application Form, One (1) Valid ID, Halagang 200 pesos)
  • Matapos maipasa ang mga requirements ay hintayin lamang mai-register ang inyong record upang makuha naman ang inyong Picture, Fingerprint, at Signature.
  • Hintayin mai-print ang inyong Care Card.
  • Ang inyong Care Card ay valid for 3 Years! Maaaring i-renew ang Card matapos ang expiration.